19 September 2009

A battle in Perspective on Love

BOB ONG :

“parang ELEVATOR lang yan
bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo
kung wala ng pwesto para sayo.
meron naman HAGDAN ayaw mo lang pansinin.”

JUAN TAMAD:

“mapuno man ang ELEVATOR
sigurado naman babalik din yun.
at darating din ang panahon
na makakasakay ka din.
bakit ko ipipilit ang sarili ko sa HAGDAN.
mas nakaka-pagod naman yun kaysa PAGHIHINTAY.“



Ano ang masasabi mo?=D

16 September 2009

"Soul Eater"


"It's fun being a strong person...
You feel invincible,
Like you can face anything that comes your way...
But you know what sucks being one?
It's when people know that you're strong
and they think
it's just okay to hurt you..."


Quote na bagay sa mga taong manhid. Yung hindi nagiisip knug makakasakit ba sila sa mga sinasabi nila. Mga taong taklesa at sarili lang ang iniisip. Marami na kong nakasalamuha na ganyang klase ng tao. Nakakainis. Nakakasira ng araw. Minsan pa nga nakakaiyak at nakakabaliw. Sino bang hindi masususot, kung usigin nila ang bawat kilos mo, akala mo ino-overhaul ang buong pagkatao mo. Para silang mga halimaw na kinakain ang kaluluwa mo, at para dika kainin ay dapat mong sundin ang lahat ng sinabi, sinasabi at sasabihin nila sayo. Pero salamat parin, dahil malaki ang pinagbago ko dahil sa kanila. Malaki ang pinagbabago ng mga tulad ko dahil sa kanila. Malaking bahagi ng pagkatao ng mga tulad ko ang nabago dahil sa mga taong nagfi-feeling na perpekto sa mundo.

Minsan makakarinig ka ng kwentuhan na puro opinyon tungkol sa isang tao, bagay o pangyayari ang bida. Nakakatulilig sa tenga na napaka-perfectionist ng opinyon ng mga taong di pwedeng hindi dumakdak tungkol sa buhay ng iba araw-araw, linggo-linggo. Yung mga side comments na parang hayok na hayok sila magpalakad ng buhay ng iba. Na parang yung mga desisyon lang nila ang tama at dapat mangyari. Bihirang bihira ka makakarinig na sinusuportahan nila ang mga taong pinaguusapan nila. Pero nunka, tingnan mo ang mga buhay nila, kahit sila magtatanong, "saan ako nagkamali?" Hay yay yay!

Habang tumatanda ako, natututo ako makipagplastikan sa mga ganitong klase ng tao. Kailangan yun e. Para di na lumaki ang apoy... Para di malagyan ng gatong... Natuto akong magpasensya, umintindi at tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong lumunok ng pride at magmahal ng masasamang tao. Akala nila mabubuti pa sila sa ginagawa nila, pero kung sana ilagay man lang nila ang mga sarili nila sa kalagayan ng iba, malalaman nila kung panu sila nagiging kontra bida sa mga teleserye ng buhay ng iba.

Ngunit dahil sa katapangan na pinapakita ng mga kagaya ko, nagiging manhid na rin kami. Well not to the extent na satsat din kami ng satsat ng kung anu-ano without thinking of anybody else's feelings pero parang wala na kaming pakialam sa kung anong sabihin ng mga mapagbalat kayong mga taong to. Minsan, ang sarap na rin nilang barahin at patulan kapag naguumpisa na sila sa hobby nila. Pero dahil nga sanayan lang ang labanan dito, matitigas na rin ang sikmura ng mga kagaya ko. Ready to fight kumbaga. magpagting lang ang tenga may sweet revenge na. Sweet revenge dahil mabait pa rin naman kami. Kailangan lang talaga turuan ng leksyon ang mga ganitong klaseng tao dahil kung patuloy ka lang magpapaka-sponge, rarami pa ang magiging biktima nila. Swerte kung kasing tapang ng namin na lalaban pa rin sa huli... Panu kung malugmok nalang at magpakamatay?!

Kaya para sa mga tulad kong nagtatapang tapangan, isang libong palakpak na may kasamang sipol pa ang para sainyo! Woot wooooot! MABUHAY TAYO!... At mamatay sila! BWAHAHAHAHA :)

17 June 2009

"Manloloko"


"What will you do
when you are starting
to see
the things that hurt you?


LEARN to close your eyes..."


Wala na. Tapos na. Sinubukan kong kausapin sya at iligtas ang halos anim na taon naming relasyon pero wala... wala na akong nagawa.


Mayo, Linggo ng gabi. Kagagaling ko sa trabaho at sinubukang magpahinga. Hindi ko alam kung bakit kahit bugbog na bugbog na ang katawan ko sa overtime ay di ko pa rin makuhang matulog. Sabi nila Insomnia na to, pero tingin ko mas may malalim na nararadar lang ang puso't isipan ko kaya di ako mapakali.

Kinuha ko ang laptop ko at sinubukang ibaling ang atensyon sa paglalaro ng online game ng biglang kumanta si Lady Gaga ng Poker Face dahil sa yun ang message alert tone ko:

"ASL pls? Aq ung kchat m knna.
S rum q nko, kaw?"


Huh? Anu naman tong text ni Dhee sakin? Teka, parang may mali! Wrong Send! At sa lahat ng masesendan, sakin pa napunta! Ampota...

~~~~~~~~

Hunyo, Myerkules ng umaga.
Day-off. This is it! Parang may bumubulong sakin na kailangan kong buksan lahat ng online accounts ni Dhee. Parang marami akong dapat malaman. Yahoomail muna... Galing sakin lahat ng messages dito e. Teka, yung sent items naman. Hmmm.. To: cutiepie005? Sino kaya 'to? Ma-open na rin...

"Here are all the researches I made for your topic.
Pasensya ka na kung medyo magulo.

Gua Ai Di. (kissing smiley icon)
ganda mo kanina."

Bumilis tibok ng puso ko sa nabasa ko. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Bakit sa iba nag-a- i love you ang mahal ko?

~~~~~~~~
Hulyo, maghahating gabi. Ang Plano. Gagawa ako ng panibagong Yahoo ID. Susubukan kong alamin kung anong nangyayari habang hindi na ako makandaugaga sa pagtatrabaho.

...Can't read my, Can't read my
No he can't ready my
Poker face...
(She's got to love nobody)...

"Neng, magkasama ba kayo ni Carlo?
O talagang ibang babae lang tong nakikita kong kasama nya?"

Parang nanlulumo ako. Maraming signs pero di ko pinansin. Kailangan ko pa bang magbingi bingihan at magbulag bulagan?

"Asan kayo?
Papunta nako jan..."

Pagkababang pagkababa ko palang sa taxi alam kong sya na yun. Nakaupo sa couch katabi ang isa sa pinakamagandang babaeng nakita ko - maputi, maamo ang mukha at may class. Parang wala namang namamagitan sakanila nang biglang tumayo si Carlo at hinalikan sa labi ang magandang babae habang itinatayo sa pagkakaupo. Pagkatapos non, humawak sya sa makipot na baywang nito at nakangiting bumubulong dito. Umaalingawngaw pa sa aking tenga ang mayuyuming halakhak ng magandang babae habang mumunting kinikiliti sya ni Carlo sa leeg.

Napapikit ako at parang nauupos na kandilang napaupo sa kalsadang kinatatayuan ko. Anim na taong puno ng pangarap ang pinagsaluhan namin ni Carlo. Punong puno ng pangarap para sa itatayo naming pamilya. Sabay kaming nangarap at naniwala. Hindi ko alam kung anong nangyari at nanlamig sya. Siguro ako, ako ang dahilan. Ano kayang ginawa kong mali? Anong ginawa kong hindi nya ikinatuwa? Ano kayang hindi ko ibinigay sa kanya?

Ngayon, tama bang ipikit ko ang aking mga mata sa tuwing sa harap ko'y nakalantad ang mga bagay na nagdudulot ng sakit sa buo kong pagkatao? Tama pa bang matutunang pumikit at magbulag bulagan?

Wala na. Tapos na. Sinubukan kong kausapin sya at iligtas ang halos anim na taon naming relasyon pero wala... wala na akong nagawa.

03 June 2009

"Kumplikado"


"We're friends but not lovers.
We're lovers but not committed.
We're committed but not official.
That's what you call...
COMPLICATED."



We're friends but not lovers

"Mag-bespren lang kami." Ilang beses ko na bang narinig yung sagot na yun. Kahit ako nagamit ko na to. Magkabanda kasi kami noon ng asawa ko. Rythm guitarist ako, at Bassist naman sya. May HD ako sakanya, pero dahil nagbagong buhay na nga ako, diko pinahalata. Dahil sa nagsusumabog na feelings ko, nakagawa ako ng maraming kanta para sakanya. Isinali pa nga namin ang isa sa Himig Handog pero syempre, di nakuha. Pero tuloy pa rin. Di ako umaasang we'll end up together dahil kamukha nya si Craig David at ako si Zoraida (rest in peace). Kaya kahit alam kong malabo, umasa pa rin ako. Ganun naman yun pag inlove, nag-fi-feeling-feelingan ka. Bawat tipa nya ng gitara habang nakatingin sa kawalan, iniisip ko, ako ang iniisip nya dahil para sakin yung kanta. Bawat kantang pinepresintang tugtugin, feeling ko para sakin na. Bawat tawag sa telepono para itanong ang next sked ng practice e malaking bagay dahil as usual, feeling ko, miss na rin nya kagad ako. O diba ang komplikado? Kaya kahit humiga pa sya sa balikat ko, khit kurutin nya pa pisngi ko, kahit yakapin nya ko sa harap ng maraming tao, nagfi-feeling lang talaga ako. Bespren lang ang tingin nya. Magbespren lang talaga. Taena.



We're lovers but not commited

Pagkatapos ng high school nagkahiwalay kami ni bespren. Tinatak ko sa utak ko na kahit kailan di kami pwede at di kami bagay. Sa college nagkaron ako ng sad love story. At ang halos dalawang taon na walang komunikasyon namin ni bespren ay nabuksan. Mabilis ang mga pangyayari at di ako handa. Nagtapat si bespren na ang iniisip ko ay isa yong malaking joke. Pero ang sagot nya, "Di na kita hahayaang masaktan pa ulit." Lumipad ang mga kupido sa paligid ko at para akong timang na lumulutang sa ulap dahil matagal na rin pala akong mahal ng Prince Charming ko. Up to the next level na kaming dalawa pero komplikado parin. Dahil sa bawat tanong ko ng "tayo na nga kaya?.." and sagot nya'y hindi nya alam.

Wala ang hinahanap kong assurance, wala parin palang seguridad. Pwede pa rin pala akong ma-broken hearted dahil wala naman syang ipinangakong committment.

But after 3 months na naging kami, ang walang assurance, walang seguridad at alalahanin ko na mabroken hearted, naglaho na. Kaya pala dapat walang bumitaw sa adjustment period from bestfriends turn lovers na sitwasyon gaya namin.


We're committed but not official

Naranasan rin namin ang mga super rough road ng pag-ibig. Madugo ang pagpapanday ng panahon sa aming relasyon. Anim na taong may mga nakikisawsaw at may mga umeepal. Pero dumating din ang isang araw na may engagement ring nalang pala ako at paulit ulit nang sinisigaw ng puso't isip ko ang pangakong marriage right after college graduation. Nakakatuwa dahil 2 months bago kami makagraduate ay ikinasal na kami. Di ko naman naranasan ang pagkakumplikado ng "We're committed but not official" dahil pareho naming naintindihan ang sitwasyon. Wala kasing nakakaalam ng engagement. We're really committed but not official. Kumplikado sa iba, para samin never. Hindi smooth sailing ang relasyon pero tama ang sabi-sabi, basta't may tiwala at pagmamahal, you can get over with all the ka-praningan running inside your head. Sabi nga sa "A Midsummer Night's Dream" ni Shakespeare, "The course of true love never did run smooth". At hanggang ngayon, naniniwala ako don.

Footnote: Kumplikado talaga ang pag-ibig. Kaya nga may kanya-kanya tayong love story diba? Pero sa karanasan ko, "faith", yun ang sikreto. Sana hindi pa huli ang lahat pagkatapos nyong basahin etong entry ko. Sana hindi pa ganun ka-kumplikado.

"I lab yu"


"Life isn't about waiting for the storm to pass.
It's learning to dance in the rain.
It's singing in the car
when you don't even know all the words.
It's about taking risks and
making life worth living..
coz every minute you waste
is a minute you'll never get back."

Korekness. Time is too short to be wasted kaya kailangan mong makita ang positive side ng bawat sitwasyon. Naalala ko tuloy si papa sa quote na to. Madalas kumakanta yun ng mali-mali ang lyrics. Pero masaya kaming nakikinig at napapasaya nya kami sa mga sarili nyang "wordings" kung tawagin nga nya. Minsan, sasamahan pa nya yun ng sayaw at hihilain si mama para sabayan sya. Simula noon hanggang ngayon napapasaya nya kami sa simpleng paraan. Mapasayaw man yan o mapakanta, di namin makakalimutan ang mga tactics nya na alam na alam na namin ang ending, dahil paulit ulit na nya iyong jino-joke sa aming lahat.hehehe

Ambilis bilis ng ikot ng mundo, noh? Mostly, puro trabaho nalang ang inaatupag. Maraming mag-asawa di na nakakapagusap dahil pareho nang pagod pagkagaling sa trabaho. Madalas, may ka-fling na sila sa office dahil mas madalas na sila magusap ng mga tao dun kesa sa mga asawa nila. Masisisi mo ba? Sabi nila tao lang, pero para sakin, choice nila yun. At ang napili nila ay ang mang-"cheat". Pati mga anak affected, dahil mas nagiging at home na sila sa friends nila dahil wala namang oras ang parents makipagbonding sakanila. Akala ng magulang, ok lang, yun pala bidang bida na sila sa usapan ng mga anak nila at mga kaibigan nito. Nasan na yung quality time for the family na tinatawag? Asan na ang well-balanced life na dapat nating sundin lahat?Meron rin kaya silang kahit onting happy moments tulad ng mga kwento ko?

Ang swerte ko. Naranasan kong maligo at sumayaw sa ulan. Hikain ako pero pinapayagan ako ng mga magulang kong maranasan ang ligayang hatid ng bawat butil ng ulan. Nandun pa nga ang panghihinayang pagpatila na ito. Pero andun sila para magsabing "tama na, wala nang ulan, lalamigin kana..." Para ring sa totoong buhay, tinuruan nila akong maging masaya sa gitna ng ulan at minsan e bagyo't unos pa nga ng buhay ko. At pag patila na, nanjan din sila para magpaalala ng after shock at pasasayahin ka sa paraang alam nila.

Alive and kickin' pa ang both parents ko. Type ko lang silang bigyan ng onting pagkilala sa paraang alam ko. Mahal na mahal ko sila pero ang hirap sabihin sa tagalog. Kaya madalas, "I lab yu" ang sinasabi ko. Less drama, pero di nabawasan ang meaning. Tama naman ang quote. Wala ka naman talagang dapat sayanging pagkakataon. Dahil ang buhay, maikli. At kailangan nating i-make most out of it ang bawat segundo. Mahirap na, baka di na ulit mabigyan ng pagkakataon.

02 June 2009

"My Happy Ending"


"From every human being
there rises a light that reaches straight to heaven,
and when two souls
that are destined to be together find each other,
the streams of light flow together
and a single brighter light goes forth
from that united human being".
-Ba 'al Shem Ton from Chicken Soup for the Soul


Ever since I was a kid, fan na fan na ako ng "true love" o yung mga kwentong may happy ending. Mahilig akong mangolekta ng fairy tales at palagi kong hinihiling kay Santa Claus yung mga librong Cinderella, Snow White, at marami pang iba. Tatlong magkakasunod na pasko nya ata yung binigay sakin, pero habang nagkakaisip nako, namulat ako sa katotohanang hindi totoo si Santa at ang mga kwentong may "happily ever after".

Sa lahat ng mga stories na nababasa ko, bakit halos lahat ng bidang lalaki at babae ay gwapo't magaganda? Lahat sila matitipuno o balingkinitan, matatalino at mayayaman. Nung bata ako, gusto ko maging prinsesa dahil lahat ng prinsesa sa mga fairy tales may Prince Charming at gusto ko meron din ako. Lahat din ng princess merong Knight in Shining Armor na magtatanggol sa kanila kapag may umaaway sa kanila. Pero habang lumalaki ako, namulat ako sa katotohanang kahit kailang ay hindi ako magiging prinsesa. Hindi ako kagandahan kaya walang Prince Charming na makikipaagawan para sa kamay ko at walang ring Knight in Shining Armor na magtatanggol para sa kaharian na dapat i-rule ko. Kaya ang true love, idinaan ko nalang sa dasal at sa paghiling na sana, balang araw, ibigay sa akin ng Diyos ang taong mamahalin ako sa kung ano ako. Eto ang hiling ng isang bata na musmos palang, hopeless romantic na.

Habang lumalaki ako, naging vast ang pagtingin ko sa True Love. Pero hindi nawala ang faith ko na merong taong nilaan ang Diyos sa bawat isa sa atin. "Soulmate" kumbaga. Hindi ako naniniwala na sa love, yung taong para sayo ang bubuo sa pagkatao mo, kundi yung taong nilaan para sayo is a whole individual tulad mo. Dalawang "buong" tao na magpaaptunay na God is Love through the relationship they have. Dahil ang isang relasyon, hindi nagwowork kung walang God na nag-yu-unite sa inyong dalawa. Yun ang sikreto, yun ang clue. Kaya sa pagmature ko, yun ang naging guide ko para malaman kong "sya na nga!".

Destiny? hindi. We're meant to be. For that single light coming from me, dahil naniniwala akong may taong nakalaan para sakin, natagpuan ko ang isa pang ilaw na magpapalakas ng brightness sa flashlight namin para sa daang tatahakin naming mag-asawa to wherever life would take us. And from then on, we live happily ever after.

Ikaw, anong kwento mo?^^

Footnote: Bumalik ang paniniwala ko kay Santa sa pamamagitan ng anak ko dahil nagiging Mrs. Santa Claus na rin ako kapag pasko. At pati ang paniniwala ko sa happily ever after,bumalik rin, dahil sa Prince Charming at Knight in Shining Armor ko, all rolled into one. ^^

"Emo"


"Do you understand
why God has added one more day in your life?

It's not only because you need it,

but because someone else
needs you and loves you,
and is happy
to share another day with you"


Everything happens for a reason. Pag di mo pa alam kung bakit, patiently wait and pray. Hindi tayo dapat mawalan ng faith sa Diyos at sa mga sarili natin. Ako, naranasan ko nang mag-give up. Akala ko kasi wala na kong silbi at wala namang dahilan para mabuhay pa. Nabuhay ako para sa sarili ko lang. Nabubuhay sa apat na sulok ng sariling mundo ko. Iniisip ko, wala naman akong kwenta. Walang bagay na nag-excel, walang bagay na magaling. Kaya wala ring kwenta kahit na ano pang gawin ko. Ngayon may tawag na nga pala sa ganon, "EMO".

Kung noon pa nauso ang Emo, malamang myembro ako. Nakakatawang isipin pero ganun siguro talaga yun. Mababaw pero malalim. Dahil sa ibang di nakaranas, mababaw. Pero sa mga nakaka-relate, malalim. Malamang kung di dumating ang "anghel" ng buhay ko, nalugmok nako sa ka-emohan na hatid ng mundo.

Sabi nga nila, nagbibigay ang Diyos ng instrumento para malaman mong mahal ka Nya. At ako, alam ko na ngayon ang silbi at halaga ko. Totoo namang di mo mapi-please lahat ng tao. Maraming inis dahil insecure, maraming naiinggit kaya pinipilit kang i-down. Pero pag binuksan mong mga mata mo, makikita mo kung sinong pinadala nya para makita ang kabutihan sa mundo at sarili mo. Yung taong tutulungan kang buuhin ang sarili mo at ipakitang may kakampi ka sa mga demonyong namwawasak ng pagkatao mo.

Sa taimtim na dasal napansin ko ang matagal na nyang instrumento para makamit ang sinasabi nga nilang "the best person God wants me to be". At ngayon, he's my better half. isa sa mga rason ko sa masayang paglalayag sa buhay. And with a handsome baby boy, may nahahawakan akong tunay na anghel that keeps me reminding of having "Heaven on Earth". Kaya sa pag gising ko araw araw, alam ko na ang dahilan sa bawat pagsikat ng umaga sa buhay ko.

Ikaw ba,

alam mo na?